Latest News‎ > ‎

Libreng School Supplies, Handog ng 3G

posted Nov 26, 2013, 5:26 AM by Arlene Sabado
Ang Lungsod ng Balanga ay masuwerte sa pagkakaroon ng mga mabubuting ama. Maraming proyekto ang kanilang inilulunsad para sa kapakanan ng mga tagalunsod. Isa na rito ang pagbibigay ng libreng kagamitan sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Ito ay handog nina Cong. Tet Garcia, Gov. Abet Garcia at Mayor Joet Garcia.

Ang mga mag-aaral mula kinder hanggang ikaapat na taon sa sekondarya ay nakatanggap ng mga libreng kagamitang pampaaralan. Ito ay malaking tulong hindi lamang sa mga bata pati na rin sa mga magulang. Napakalaking tipid nito sapagkat hindi na kailangan pang mamili ng mga magulang ng mga kagamitang gagamitin ng kanilang mga anak sa pag-aaral.

Ang mga nasabing kagamitan ay iniabot mismo ng ating butihing punong-lungsod sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng M. P. Cuaderno. Mababakas sa mukha ng mga bata ang kanilang kaligayahan nang matanggap nila ang mga libreng school supplies.

Comments